8-buwang sanggol sa tiyan ng ina, patay sa ligaw na bala ng ama
MANILA, Philippines — Isang walong buwan gulang na sanggol na nasa sinapupunan ng ina ang nasawi nang aksidenteng mabaril ng kanyang ama nitong Sabado sa Cadiz City, Negros Occidental.
Batay sa report kay PLt. Col. John Joel Batusbatusan, hepe Cadiz City Police Station, nagtungo umano ang suspek sa bahay ng kaibigan kasama ang live-in partner sa Purok Zone 4, Barangay VF Gustilo, upang ipakita ang kaniyang .38 revolver na may mga bala.
Subalit aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang tiyan ng kaniyang 34-anyos na live-in partner na walong buwang buntis.
Isinugod sa ospital ang biktima pero hindi na naisalba pa ang buhay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.
Sumuko naman sa mga otoridad ang suspek at hindi na kakasuhan matapos na humingi ng tawad.
Gayunman, kinasuhan pa rin ang suspek ng illegal possession of firearm and ammunition.
- Latest