^

Police Metro

Lalaki sinalang leeg sa grinding machine, napugutan

Cristina Timbang - Pang-masa
Lalaki sinalang leeg sa grinding machine, napugutan
Satellite image shows Cavite.
Google Maps

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang lalaki na dumaranas umano ng matinding depresyon at anxiety makaraang magpakamatay sa pamamagitan ng paghiga at pagsalang ng kanyang leeg sa grinding machine ng isang signmaker shop na kanyang nadaanan sanhi upang mapugutan ng ulo sa Brgy Tanzang Luma 3 Imus City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Humiwalay ang ulo ng biktima sa kaniyang katawan na kinilala sa alyas na Emil, nasa hustong gulang, residente ng Tanzang Luma 6, Imus City, Cavite .

Sa ulat ng pulisya, alas-3:45 ng hapon habang abala ang mga empleyado ng Signmaker shop at ang isa rito ay may pinuputol na bagay gamit ang grinding machine nang bigla na lamang umanong may tumulak dito at nagulat na lamang silang lahat nang biglang humiga ang biktima sa tapat ng nasabing makina at isinalang ang leeg nito.

Putol ang ulo ng biktima at tanging kapirasong balat na lamang ang naiwang nagdudugtong sa katawan nito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakararanas ng matinding depresyon at anxiety ang biktima kung kaya nagawa niya ang pagpapakamatay.

CAVITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with