90% ng mga Pinoy naghayag ng pag-asa ngayong 2025
MANILA, Philippines — Mas nakararaming Pinoy ang nagpahayag ng malaking pag-asa ngayong 2025 at kakaunti ang nagpahayag ng pangamba, base sa latest survey ng Social weather Station (SWS) survey.
Base sa survey, nasa 10 porsyento ng mga Pinoy ang nangangamba sa kahihinatnan ng kanilang buhay ngayong taong 2025.
Lumalabas pa na mas mataas ito ng 3-percent o sa 7-percent ng mga Pinoy na nagsabi noong nakaraang taon na sila ay nangangamba para sa taong 2024.
Ang survey ay ginawa noong Disyembre 12-18 kung saan nasa 90 posyento naman ng mga Pinoy ang nagpahayag ng pag-asa para sa taong 2025.
Sa SWS survey na ito, ang tanong sa mga Pinoy adult ay -- “Ang darating na taon ba ay inyong sasalabungin nang may pag-asa o may pangamba?”
Ikinatwiran ng nakararaming Pinoy na mas mahalagang unahin ang mga nararamdaman tulad ng mga pangamba kaysa sa mga kasiyahan.
- Latest