^

Police Metro

7 kapwa akusado ni Guo sumuko sa NBI

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pito sa mga kapwa akusado ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa kasong Qualified Human Trafficking na isinampa sa Pasig City Regional Trial Court.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago, lima sa mga akusado ang boluntaryong sumuko sa NBI Central Luzon ay sina Jamielyn Santos Cruz, Presidente ng POGO na Zun Yuan Technology Center, Rachelle Joan Malonzo Carreon, Rita Sapnu Yturralde, Rowena Gonzales, at Thelma Barrogo Laranan habang dalawa naman ang boluntaryong sumuko sa Task Force Bamban na sina Juan Miguel Alpas, at Rhoderick Paul Bernardo Pujante na umano’y nagsilbing treasurer at secretary ng kompanya.

Ayon sa mga akusado, nagdesisyon silang humarap dahil sa takot at para malinis ang kanilang mga pangalan na umano’y nagamit lang.

Karamihan din sa mga sumuko ay sinasabing hindi kilala si dismissed Tarlac Mayor Alice Guo.

Inamin naman ni Cruz na Presidente ng POGO na Zun Yuan Technology Center at dating TV host ay nakilala si Guo pero iginiit na walang koneksyon dito at lehitimo ang kanyang negosyo.

Ayon naman kay Director Santiago, isusumite na nila ngayong araw sa korte ang Return of Warrant sa mga akusado at hihintayin ang Commitment Order kung saan madedetine ang mga ito.

Makikipag-ugnayan rin umano sila sa korte para mabigyan ng proteksyon ang mga ito lalo’t nangangamba sila ngayon sa kanilang kaligtasan.

Tiniyak naman ng NBI na hindi ito tumitigil para mahanap ang iba pang kapwa akusado ni Guo na karamihan ay mga Chinese.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with