^

Police Metro

MMDA enforcer todas sa sagasa sa EDSA

Doris Franche-Borja - Pang-masa
MMDA enforcer todas sa sagasa sa EDSA
File photo of MMDA traffic enforcer.
STAR / File

Nagki-clearing operation

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 65-anyos na lalaking empleyado ng Metro Parkway Clearing Group ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) matapos na masagasaan at makaladlad ng isang SUV sa kahabaan ng P. Tuazon Tunnel sa EDSA Northbound Lane, Quezon City nitong Sabado ng madaling-araw.

Sa report kay PCapt. Napoleon Cabigon, hepe ng QCPD Traffic Sector 3, bandang alas-2:45 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar.

Nabatid na nagmamando ng trapiko ang biktima sa lugar para abisuhan ang mga paparating na moto­rista na may isinasagawa silang clearing operation o paglilinis ng tiles sa pader ng tunnel.

Subalit, bigla na lamang dumire-diretso ang kulay puting SUV sa lane kung saan nakatayo ang biktima hanggang sa masagasaan ito at makalakad pa ng may ilang metro ang layo.

Agad namang hinabol ng kasamahan ng biktima ang SUV driver at nakorner ito pagsapit sa Cubao Exit.

Sa pahayag ng SUV driver sa pulisya, nakaidilip umano siya kaya hindi niya napansin ang mga traffic cone at mga warning device na inilagay sa kalsada upang i-cordon ang isang lane kung saan nagmamando ng trapiko ang biktima.

Nangako naman si MMDA Special Operations Group Head Gab­riel Go na kanilang tutulungan ang pamilya ng biktima bagamat nagka­areglo na ang magkabilang panig.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with