^

Police Metro

May-ari at mga tripulante ng 2 barko na sangkot sa ‘paihi’, kinasuhan ng BOC

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pormal nang naghain ng reklamo ang Bureau of Customs (BOC) laban sa may-ari, mga tripulante ng MT Tritrust at MT Mega Ensoleillee na una nang nahuli sa Navotas Fish Port na sangkot sa ‘paihi’ o ilegal na paglilipat ng unmarked fuel dahil sa paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), National Internal Revenue Code (NIRC), at Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law) sa Office of the City Prosecutor, Navotas City noong Setyembre 21, 2024.

Binigyang-diin ni BOC Commissioner Bien Rubio ang pangangailangan ng mabilisang aksiyon laban sa mga fuel smugglers upang mapigilan ang mga pagtatangka pa sa hinaharap.

Batay sa affidavit, ang mga tripulante ng natu­rang dalawang barko ay nahuli sa aktong nagpupuslit ng unmarked fuel matapos magkaroon ng failed result ang isinagawang fuel marking testing ng Enforcement Group-Fuel Marking Agents sa mga diesel fuel na lulan ng dalawang barko.

Sinabi naman ni BOC-Customs Intelligence and Investigation Services (BOC-CIIS) Director Verne Enciso na base sa diesel fuel inventory ng dalawang barko, ang MT Tritrust ay naglalaman ng humigit-kumulang sa 320,463 litro habang ang MT Mega Ensoleillee ay mayroon namang 39,884 litro na ang  total value ng langis ay nagkakahalaga ng P715,350,000.

Sinabi pa sa affidavit na tinanong ng BOC team, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana, ang mga crew kung ano ang kanilang ginagawa sa area ng Navotas Fish Port, sinagot ito ng kapitan at sinabing binilinan sila ng may-ari ng barko na manatili sa lugar para sa bunkering at nang hingian ng bunkering permits ay walang maipakita.

Tiniyak naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy, na ang grupo ang siyang nakatanggap ng derogatory information hinggil sa dalawang fuel tankers, na sasampahan nila ng kaukulang kaso ang direktor ng Megapower Petroleum, gayundin ang corporate officers, at responsible officers nito.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with