^

Police Metro

2 sakay ng motor salpok sa poste, todas

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang magkaibigan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa poste habang bumabaybay sa kalsada na sakop ng Brgy. San Rafael 4, Nove­leta, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasa­wing magkaibigan na sina Mark John Mendoza, 24; at John Martin Francisco, 20, kapwa residente ng Brgy. Ligtong III, Rosario, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, ala-1:00 ng mada­ling araw ay magkaangkas ang mga biktima sa motorsiklo at bumabagtas sa nasabing lugar patungo ng Cavite City.

Dahil umano na may kabilisan pagpapatakbo ng motor ay nawalan ng kontrol ang mga ito at tuluy-tuloy na sumalpok sa malaking poste sa gilid ng kalsada

Sa tindi ng pagkakasalpok ng mga ito ay nawasak ang motor na agad ding ikinamatay ng magkaibigan na ina­alam pa kung ang mga ito ay nakainom ng alak.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with