Mediamen na hinarass ng KOJC members, sasaklolohan
MANILA, Philippines — Nakahandang tumulong ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga mamamahayag na nakaranas ng umano’y pangha-harass sa pagkober ng mahigit dalawang linggong pagsuyod ng PNP sa KOJC compound.
Ayon kay CIDG Spokesperson Police Lt. Col Imelda Reyes tutulong sila sa mga journalist na gustong magsampa ng pormal na reklamo laban sa mga miyembro ng KOJC na umano’y nang-harass sa kanila sa ginawa nilang pang kober sa paghahanap kay Quiboloy at mga kasamang akusado nito.
Ginawa ng CIDG ang pahayag matapos na umalma ang National Union of Journalist in the Philippines (NUJP) hinggil sa natanggap na pagbabanta at verbal abuse mula sa mga KOJC members.
Nananawagan na ang CIDG sa mga mediamen na lumapit na sa pinakamalapit na tanggapan ng CIDG para matulungan silang magsampa ng kaso.
- Latest