Bagong bagyo, nakapasok na sa Luzon – PAGASA
Magla-landfall sa Isabela o Aurora bukas
MANILA, Philippines — Matapos ang paghagupit ng bagyong Marce, isang binabantayang isang Low Pressure Area (LPA) ang ganap na ring naging bagyo sa silangan ng southeastern Luzon at ito ay tatawaging Bagyong Nika.
Alas-11 ng umaga ng Sabado, ang sentro ng Typhoon Nika ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) sa layong 1,145 kilometro ng silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras.
Dulot nito, nakataas ang Signal number 1 ng bagyo sa Catanduanes
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Nika ay kikilos sa pakanluran hilagang kanluran sa forecast period.
Ang naturang bagyo ay inaasahang mag-landfall sa Isabela o Aurora sa darating na Lunes, November 11.
Ayon sa PAGASA, bahagyang lalakas ang bagyong Nika at maaabot ang severe tropical storm category sa Lunes bago bumagsak sa lupa.
Hihina ang bagyo oras na dumaan sa may terrain ng mainland Luzon pero mananatili itong isang severe tropical storm.
Ngayong Linggo, inaasahan na si Nika ay nasa layong 650 kilometro ng silangan ng Infanta, Quezon at nasa layong 215 kilometro ng silangan ng Southeast Echague Isabela.
- Latest