^

Police Metro

20 katao nasawi, 14 missing kina ‘Ferdie’, ‘Gener’, habagat

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na tinatayang nasa 20 katao na ang nasawi habang 14 iba pa ang nawawala dahil sa bagyong Ferdie, Gener at habagat.

Sinabi ng NDRRMC na siyam ang nasawi sa Mimaropa, tig-apat sa Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Minda­nao, dalawa sa Zamboanga Peninsula, at isa sa Central Visayas.

Labing-isang tao rin ang nasugatan sa pananalasa ng Habagat, Ferdie, at Gener.

Aabot naman sa kabuuang 597,870 katao o 156,524 na pamilya ang naapektuhan ng sama ng panahon sa Cagayan Valley, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, Bangsamoro, at Cordillera.

Karamihan sa mga apektadong tao ay naiulat sa Western Visayas na may 256,593 indibidwal o 73,512 pamilya.

Sa kabuuang apektadong populasyon, 62,995 katao o 16,926 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center habang 34,265 katao o 8,592 pamilya ang nakasilong sa ibang lugar.

Umabot naman sa 930 bahay — 789 ang bahagyang at 141 ang kabuuan ang sinira ng Habagat, Ferdie, at Gener.

Matatandaan na pumasok si Ferdie sa Philippine area of responsibility (PAR) noong Setyembre 13 at lumabas kinabukasan. Habang si Gener ay noong Setyembre 16 ay naging tropical cyclone mula sa low pressure area at lumabas ng PAR nitong Miyerkules.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with