^

Police Metro

Opisyal ng CPP-NPA, guilty sa pangongotong

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng pamunuan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang hatol ng korte sa isang opisyal ng CPP-NPA-NDF sa Western Visayas na napatuna­yang sangkot sa pangongotong upang mapondohan ang kanilang samahan.

Ayon kay Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., Executive Director of NTF-ELCAC, indikas­ yon lamang na tagumpay ang pamahalaan laban sa terorismo.

Nitong Setyembe 2, 2024 nang ibaba ng Regional Trial Court Branch 2 ng Kalibo, Aklan ang hatol nito laban kay Ian Arevallo y Inson, alias “Prince Egodas y Giganto,” “Mac-Mac,” at “Brince Gegodas y Gilbaliga,” na umaming kasapakat siya sa ‘terror financing scheme ng CPP-NDF-NPA.

Nabatid na miyembro ng Komiteng Rehiyon Panay si Arevallo “taxation unit,” upang makapangikil ng pondo sa mga negosyante, contractors at mga politiko sa Panay Island at iba pang bahagi ng Western Visayas.

“Ito ay isang landmark conviction, na may matibay na mensahe ba ang paglilikom ng pondo para sa terorismo ay walang puwang sa ating lipunan. Ito rin ay pagpapakita na lahat ng Filipino ay tinututukan ang lahat ng uri ng panggugulo sa kapayapaan at kasiguruhan ng bansa,” ani Torres.

Pinuri rin ng opisyal ng NTF-ELCAC ang Police Regional Office 6 (PRO6) sa kanilang dedikasyong labanan ang terorismo.

vuukle comment

CPP-NPA-NDF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with