^

Police Metro

VP Sara, nag-sorry sa KOJC sa paghimok na iboto si Marcos

Mer Layson - Pang-masa
VP Sara, nag-sorry sa KOJC sa paghimok na iboto si Marcos
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte on January 25, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inihayag ni Vice President Sara Duterte sa unang pagkakataon ang kaniyang pagsisisi na sinuportahan niya si Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022 national elections.

Ito ay matapos hu­mingi ng tawad ang bise presidente sa lahat ng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil hinikayat at pinakiusapan umano niya ang mga ito na iboto si Marcos noong tumatakbo pa lamang ito bilang pangulo ng bansa.

“Nais kong humingi ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap ko sa inyong iboto si Bongbong Marcos Jr. noong 2022. Nawa’y mapatawad ninyo ako,” ani Duterte sa isang pahayag nitong Linggo, Agosto 25.

Matatandaang sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam.

Muli namang naging usap-usapan ang pagkabuwag ng UniTeam matapos magbitiw ni Duterte bilang miyembro ng gabinete ni Marcos at dahil sa hindi niya pagdalo sa naging State of the Nation Address (SONA) nito noong Hulyo.

Matatandaan ding umiwas lamang si Duterte sa katanungan ng mga mamamahayag kama­kailan kung nagsisisi ba siyang sinuportahan si Marcos noong nakaraang eleksyon.

Ang naturang paha­yag ni Duterte kahapon ay nangyari sa gitna ng kaniyang pagkondena sa naging pagpasok ng nasa 2,000 pulis nitong Sabado, Agosto 24, upang isilbi ang arrest warrant ni Quiboloy at mga kapwa-akusado nito.

Bagama’t hindi niya tinututulan ang implementasyon ng warrant ay hindi naman katanggap-tanggap ang umano’y karahasan sa mga sibilyan at mga miyembro ng religious group.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with