^

Police Metro

Abogado nagnotaryo sa counter-affidavit ni Guo, maaaring maparusahan – DOJ

Ludy Bermudo - Pang-masa
Abogado nagnotaryo sa counter-affidavit ni Guo, maaaring maparusahan � DOJ
This photo shows dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Binigyang-diin kahapon ng Department of Justice (DOJ) na maaaring mapatawan ng parusa ang abogadong nagnotaryo sa counter-affidavit ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na ginawa ngayong Agosto sa kabila na nakaa­lis na ng bansa ang alkalde noon pang Hulyo, 2024.

“Iimbestigahan ‘yang si Attorney Galicia na pina­ngatawanan niya na humarap sa kanya si Mayor Alice Guo at sumumpa para doon sa counter-affidavit na hinain ng kampo ni Mayor Alice Guo sa Preliminary Investigation na nagaganap sa aming kagawaran,” ani Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty sa pana­yam ng Teleradyo Serbisyo.

Nakipag-ugnayan na si Ty sa multi-agency team na nag-iimbestiga sa iligal na POGO sa Bamban at aalamin ang posibleng pananagutan ni Galicia.

Ang notary public lawyer ay kailangang tiyakin na ang mismong pumirma ng dokumento, na batay sa naging pahayag kamakailan ni Atty. Elmer Galicia ay personal niyang nakita at nakausap si Guo noong Agosto 14.

Idinagdag na maaaring harapin ni Galicia ang reklamong Article 171 (Falsification) sa ilalim ng Revised Penal Code na nagsasabing sinumang public officers, kawani at notaries na gumawa at pinalabas na ang taong nagpanotaryo ay humarap sa proceeding kahit hindi naman, ay posibleng makulong ng anim hanggang 12 taon at maharap sa administrative proceedings sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at sa Korte Suprema.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with