^

Police Metro

Sangkot sa love at trading scams… POGO hub ni-raid: 414 katao arestado

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Sangkot sa love at trading scams� POGO hub ni-raid: 414 katao arestado
Nasa 414 katao na magkahalong Chinese, Indonesians at Pinoys ang inaresto ng NCRPO-Regional Intelligence Division nang salakayin kahapon ang POGO hub sa ika-9 palapag ng The Centrium na matatagpuan sa Parañaque City. Ang mga inaresto ay pansamantala munang hindi pinalabas sa kanilang opisina.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 414 katao na kinabibilangan ng Chinese, Indonesian, Malaysian at Pinoy ang inaresto ng mga tauhan ng mga otoridad kasama ang mga kinatawan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang isang POGO hub na umano ay sangkot sa love at trading scams hub sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay NCRPO chief, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr., may isang buwan ang surveillance bago isinagawa ang raid alas-2:00 ng madaling araw gamit ang search warrants na ini­syu ng Manila Regio­nal Trial Court Branch 24, para sa kabuuan ng ika-9 na palapag ng isang pribadong  gusali na ginagamit sa scam.

 Sinabi ni Nartatez, na ang Room 901 na kumpleto ang kagamitan sa POGO hub ay interconnected sa iba pang silid sa nasabing palapag, kung saan naaktuhan pa ng mga operatiba ang mga ginagawa ng mga empleyado ang kanilang transaksyon sa mga biktima ng scam.

Ani Nartatez, inabutan nila ang ilan sa isang nakaset-up na office at sofa set  kung saan nagme-make-up, nagmomodel-model pa umano ang mga empleyado  upang palabasin na sila ay successful sa trading at nakikipag-usap sa mga tinatarget na kliyente na mag-invest ng pera.

Isang special software umano ang gamit ng mga empleyado ng scam hub at pekeng accounts para maengganyo ang mga kliyente na mag-invest sa cryptocurrency exchange platform.

Kinumpiska ang maraming computer at cellphone na gagamitin sa pagsasampa ng reklamong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Fraud.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with