^

Police Metro

Transwoman minartilyo ng selosong dyowa

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Transwoman minartilyo ng selosong dyowa
Ang biktima na naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang bangkay ay kinilalang si Kent Lubaton, 30. Habang ang itinuturong suspek sa krimen ay ang kanyang dyowa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang transwoman ang nasawi makaraang martilyuhin ng kanyang dyowa nitong Linggo sa loob ng kuwarto nito sa isang subdivision sa Brgy. Bago Aplaya, Davao City.

Ang biktima na naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang bangkay ay kinilalang si Kent Lubaton, 30. Habang ang itinuturong suspek sa krimen ay ang kanyang dyowa.

Ayon sa ulat, nasaksihan umano ng kapitbahay ng biktima na nag-iinuman si Lubaton at kanyang partner nitong Sabado ng gabi.

Linggo naman nang makita ng saksi ang suspek na umalis sa bahay.

Sinabi ni Davao City Police Office (DCPO) Spokesperson, Captain Hazel Tuazon na nag-away umano ang biktima at ang suspek noong Hulyo 12,2024 nang komprontahin umano ng huli ang biktima sa pagiging malapit nito sa ibang lalaki.

Pagkatapos ang pag-aaway ay nakita umano ng mga saksi na nag-iinuman kinabukasan ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na martilyo umano ang ginamit ng suspek para pukpokin ang ulo ng biktima.

Ang suspek ay nakitang lumabas ng kanilang bahay ng umaga noong Linggo at naaresto sa Malalag, Davao del Sur kinagabihan.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang selos bilang motibo sa pagpatay ng suspek na tumangging magkomento.

Nahaharap ang suspek ng kasong murder.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with