^

Police Metro

Mister naatrasan ng kotse, todas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nadiskubreng patay habang nakahandusay sa bangketa matapos na umano’y maatrasan ng isang sasakyan habang naglalakad sa Sampaloc, Manila kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si alyas ‘Angelito,’ tinatayang nasa 55 hanggang 60-taong gulang, at residente ng Don Quijote St., Sampaloc habang ang suspek ay kinilalang si alyas ‘Rafael,’ ng Florentino St., sa Sampaloc.

Sa initial report ng Investigation Section ng Sampaloc Police Station (PS-4) ng Manila Police District (MPD) alas-6:40 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima, na nakahandusay sa bangketa, sa tapat mismo ng gate ng tahanan ng suspek.

Naglalakad umano sa lugar ang testigong si Danilo Soriano, barangay kagawad ng Brgy. 478, nang makita ang bangkay kaya’t kaagad na inireport sa mga otoridad.

Nagsagawa ng backtracking ang mga barangay sa CCTV footage sa lugar, at natukoy na naatrasan ng suspek ang biktima habang minamaneho ang kanyang kulay itim na kotse na nagresulta sa kamatayan ng biktima, alas-5:07 ng madaling araw.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with