^

Police Metro

Misis binaril ng dyowa, utas

Mer Layson - Pang-masa
Misis binaril ng dyowa, utas
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Gelli Abogado, nasa hustong gulang alyas Jelay, residente ng Phase 1K Kasiglahan Village, Sitio Laog ng nasabing lugar.Tumakas naman ang suspek na kinilalang si alyas Jasper matapos ang krimen.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang misis nang ito ay barilin sa ulo ng kanyang ka-live in sa kalagitnaan ng kanilang mainitang pagtatalo sa silid ng kanilang bahay sa Sitio Laog, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Gelli Abogado, nasa hustong gulang alyas Jelay, residente ng Phase 1K Kasiglahan Village, Sitio Laog ng nasabing lugar.Tumakas naman ang suspek na kinilalang si alyas Jasper matapos ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-11:00 ng umaga ay na­rinig ng mga kapitbahay ang mainitang pagtatalo ng magdyowa sa loob ng kanilang kuwarto.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig na sila ng malakas na putok ng baril.

Agad nilang pinuntahan ang bahay ng mga ito at dito nila nakita ang nakahandusay na biktima na duguan ang ulo habang nakatayo sa harap nito ang suspek at may hawak na baril.

Agad nagtatakbo patakas ang suspek na kasalukuyan na ngayong pinaghahanap ng pulisya.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with