^

Police Metro

Rider at angkas utas sa nakaparadang trak

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang motorcycle rider at kanyang angkas matapos na sila ay sumalpok sa naparadang trak sa gilid ng highway sakop ng Barangay Masin Norte, Candelaria, Quezon, kama­kalawa ng mada­ling araw.

Dahil kapwa umano walang mga suot na helmet ay parehong nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina alyas Jun, driver ng motorsiklo at Emerson Allison, 21, kapwa ng Barangay Bukal Sur.

Nasa kustodya naman ng pulisya ang tsuper ng Isuzu tractor head na si alyas Don ng Naga, Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng Candelaria-PNP, alas-2:30 ng madaling araw ay mabilis na tinatahak ng mga biktimang sakay ng Honda CB motorcycle ang kahabaan ng Maharlika highway nang bumangga sila sa nakaparadang trak na nasa direksyon ng Maynila at pansamantalang nakaparada sa gilid ng kalye.

Sa lakas ng pagsalpok ay agad na namatay ang mga biktima.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with