^

Police Metro

72-anyos ina, gulpi sarado sa anak na adik

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakaratay sa ospital ang isang 72-anyos na ina matapos na siya ay gulpihin ng kanyang 33-anyos na anak na pinaniniwalaang lango sa droga, naganap ka­makalawa ng hapon sa Brgy. Sauyo, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Erlinda Bravo, 72. Habang inaresto ang anak nito na kinilalang si Joseph, na residente ng 160 Lagkitan Compound, Brgy. Sauyo ng nasabing lungsod.

Sa pagsisiyasat ng ­Quezon City Police Station 3, naganap ang insidente, alas-4:30 ng hapon sa harap ng bahay ng suspek.

Bago ito, nagtungo sa barangay hall ang biktima para asikasuhin ang kanyang senior citizens documents at pag-uwi ng bahay ay pinagsisigawan ito ni Joseph at pinagmumura.

Nang hindi sumagot ang ina ay nainis umano ito at binugbog nito ang kanyang ina na habang ginugulpi ay minumura.

Nawalan ng malay-tao ang biktima dahil sa mga tinamong suntok mula sa anak kaya’ ito ay itinakbo ng kanyang dalawang anak na babae sa Quezon City General Hospital.

Humingi rin ng res­ponde ang mga anak ng biktima sa barangay na nagresulta upang arestuhin ang suspek na nakatakdang kasuhan ng criminal.

Inaalam pa ng pulisya kung nasa impluwensiya ng illegal drug o alak ang suspek nang gawin nito ang panggugulpi sa ina.

Ayon sa staff ng barangay hall na kapag hindi ito nabibigyan ng pera ay sinasaktan niya ang matanda.

Maging ang mga kapitbahay ay nagsasabi na ang suspek ay gumagamit ng droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated parricide sa office of the city prosecutor.

vuukle comment

SUNTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with