^

Police Metro

Beybi kinarga sa leeg ng kapatid, patay

Mer Layson - Pang-masa
Beybi kinarga sa leeg ng kapatid, patay
Kinilala ang nasa­wing 20-araw na sanggol na si Einjel Ewwie Manzon,residente ng 1301 Flores Bugallon St., Tondo, Maynila.
Image by Christian Abella from Pixabay

Inakalang natutulog lang

MANILA, Philippines — Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya na kung may kinalaman ang pagkamatay ng isang sanggol sa ginawang pagkarga  sa leeg ng kanyang 3-anyos na ate habang iniaakyat sa ikatlong palapag ng  kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

Natuklasan na isa nang malamig na bangkay nitong Martes ang inaakalang natutulog na sanggol sa tabi ng kanyang 3-anyos na ate na naglalaro.

Kinilala ang nasa­wing 20-araw na sanggol na si Einjel Ewwie Manzon,residente ng 1301 Flores Bugallon St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid, alas-11:30 ng uma­ga nang madiskubreng wala ng buhay ang biktima sa tabi ng kanyang naglalarong kapatid.

Ayon kay Victoria, kaanak ng biktima, kadarating lang niya ng bahay at nakita niya na natutulog ang mga magulang ng bata sa ikalawang palapag ng bahay.

Pag-akyat ni Victoria sa ikatlong palapag ay nakita niya ang sanggol na nakadapa, habang katabi ang kanyang ate na abala sa paglalaro.

Nilapitan  ni Victoria ang sanggol ngunit laking pagkagulat nang mapunang hindi na ito kumikilos kaya’t agad pinuntahan ang mga magulang na nasa kabilang kuwarto at isinugod ang sanggol sa Ospital ng Tondo ngunit idineklarang dead on arrival.

Nabatid na may limang araw na ang nakakalipas nang makita nila ang 3-anyos na kapatid na kinarga umano ang sanggol sa leeg para iakyat sa ikatlong palapag ng bahay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with