^

Police Metro

Lady driver na siga sa bus lane, ‘di miyembro ng AFP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na hindi miyembro ng AFP ang pasaway na lady driver na nagpakilalang aktibong opisyal ng militar at pamangkin ng isang heneral para makalusot sa paglabag sa trapiko matapos na mahu­ling ­gu­magamit ng bus lane sa kahabaan ng EDSA, Makati City noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay AFP Spokesperson P/Col. Francel Margareth Padilla, matapos magsagawa ng pagbeberipika sa rekords ng AFP ay sinabing hindi kasapi ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang nasabing babaeng traffic violator.

Sinabi ni Padilla na walang personalidad sa ISAFP na tumutugon sa pangalan ng nasabing pasaway na lady driver na nagpakilala ring pamang­kin ng isang Major Gen. Reyes sa isang video na iposte sa social media.

Ayon kay Padilla walang Major General Reyes sa AFP at mula sa PNP ang nasabing heneral na ipinagmalaki pa ng nasabing lady driver sa mga sumisita ritong traffic enforcer.

Noong Huwebes, dakong alas-6:35 ng gabi, isang kulay itim na Toyota Fortuner SUV ang dumaan sa south bound lane ng Guadalupe carousel station ang sinita ng mga personnel ng Department of Transportations (DOTr)-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), Philippine Coast Guard (PCG) at PNP-Highway Patrol Group (HPG).

Ang nasabing lady driver na nagpakilalang Major Miguel ay tinatayang nasa pagitan ng 40-43 anyos na inireport na sa Metrobase dahil sa tulin ng pagpapatakbo ng sasakyan nito na ginamit pa ang Carousel Bus Lane galing Ortigas patungong Guadalupe, Makati City. Tumanggi rin na ibigay ang kaniyang lisensya sa mga traffic personnel nang magpakilala pa siyang Major Miguel na umano’y miyembro ng ISAFP at pamangkin ng police general.

Ang nasabing lady driver ay pinaisyuhan na ng show cause order ng DOTr sa LTO bunga ng insidente sa paglabag sa trapiko na pilit nitong nilusutan.

vuukle comment

AFP

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with