^

Police Metro

Iba pang OFW lounge sa NAIA ipinamamadali na ni Speaker Romualdez

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) Arnell Ignacio kamakailan na pinapamadali na rin ngayon ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbubukas ng mga OFW lounge sa NAIA Terminal 3 at Terminal 2 matapos mabuksan ang OFW lounge sa NAIA Terminal 1 may ilang buwan na ang nakakalipas.

Aniya, “successful ang OFW lounge sa terminal one dahil laging puno ito kaya gusto ni Speaker Romualdez magbukas na rin kami sa NAIA 2 at 3.Pondo ng Office of the Speaker ang ginamit sa unang lounge at sabi nya siya na rin bahala sa iba pang lounge,” ayon kay Ignacio.

Idinagdag pa ng OWWA chief, “hindi lang sa NAIA terminals magtatayo tayo ng lounge dahil gusto ni Speaker lagyan din sa iba pang mga airport tulad sa Cebu at Davao.”

Sa isa namang panayam, sinabi ni Speaker Romualdez na “gusto kasi ng pangulo na bago lumipad pabalik sa trabaho ang mga OFW natin, ay makapag-relax sa mga lounge dahil mahaba ang biyahe nila.”

Dagdag pa ng lider ng kongreso, “building these OFW lounges is our way of thanking our OFW dahil sa malaking tulong nila sa ekonomiya natin.”

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with