^

Police Metro

Mag-asawa, 2 pa kinasuhan ng double murder sa pagpatay sa mag-inang balikbayan

Ed Amoroso, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong double murder ang mag-asawa at dalawang iba pa sa pagpatay sa balikbayang mag-ina na sina Lorry Litada, 54, at anak nito na si Mai Motegi, 26, flight stewardess sa Tayabas, Quezon, kamakailan.

Kinilala lamang ang mag-asawa na sina alyas Oliva, at ang mister na si alyas Charlie at dalawang hindi pa nakikilalang lalaki noong Martes ng hapon matapos na positibong kinilala ng mga saksi.

Naghain din ang pulisya sa Immigration Lookout Bulletin Order sa Bureau of Immigration upang i-blacklist ang isa sa mga suspek na may hawak ng pasaporte.

Ang babaeng suspek ay kapatid ng pinatay na si Lorry at dating alitan at may kinalaman sa pera ang tinitingnan bilang motibo sa pagpatay.

Hinihintay pa ng pulisya ang resolusyon ng prosecutor office na ihain sa korte at  sandaling, maglabas ng warrant of arrest ay dito na tutugisin ang mga suspek.

Unang natukoy na apat na persons of interest (POI) ay ikinokonsidera ngayon na mga suspek sa pagpatay sa mag-ina.

Narekober ng mga imbestigator ang Japanese Yen na nagkakahalaga ng P30,000 sa isang raid na armado ng search warrant sa bahay ng isang kapatid na babae ni Litada na itinuturong kabilang sa apat na persons of interest sa kaso.

Ang bangkay ng mag-ina ay natagpuang ibinaon sa likod ng isang bahay sa Barangay Isabang matapos na unang naiulat na nawawala, isang araw nang dumating sila mula sa Japan noong Peb. 20.

vuukle comment

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with