^

Police Metro

Sotto masaya kay Cone

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maganda ang relasyon ni Kai Sotto kay Gilas Pilpinas head coach Tim Cone.

At aminado ang 7-foot-3 Pinoy cager na marami itong natututunan kay Cone sa tuwing kasama nito ang beteranong coach sa training camp.

Walang duda na mala­lim ang karanasan ni Cone na pinakamatagum­pay na coach sa PBA at makailang ulit nang naging mentor ng national team sa mga international tournaments.

Dala ni Cone ang sistema nito sa Gilas Pilipinas training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Kaya naman nais ni Sotto na ma-absorb ang lahat ng itinuturo ni Cone na magagamit nito sa kanyang basketball career.

“I’ve been learning so much from coach Tim, in fact, even my dad, he used to tell me stories of the time he played under him,” ani Sotto.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging magkasama sina Sotto at Cone sa team.

Bahagi si Cone ng coaching staff noong 2023 FIBA World Cup na gina­nap sa Pilipinas kung saan tumayong head coach noon si Chot Reyes.

Isa si Sotto sa aasahan ng Gilas Pilipinas sa bigman position dahil wala sina June Mar Fajardo at AJ Edu na parehong nagpapagaling sa injury.

Makakatuwang ni Sotto si Japeth Aguilar.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with