Chinese na kinidnap, nasagip; 4 kidnaper nadakip
MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang nasagip habang arestado ang apat nitong kababayan, sa naganap na rescueoperation ng mga otoridad sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima, si alyas “Zhang”, 35-anyos, na nabawi ng mga Parañaque City Police Sun Valley Sub-Station sa mga suspek na kinilalang sina “Wu”, 29 ; alyas” Fan”, 30; alyas “Liu”, 31 at alyas “Xueyu”, 33; pawang Chinese nationals, at mga empleyado sa isang POGO firm.
Sa ulat, alas-6:30 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Parañaque Police ang isang bahay sa Barangay Merville, Parañaque City, kasama ang live-in partner ng biktima na siyang nagbigay impormasyon para matunton ang lugar.
Inihahanda ng Parañaque City Police Station ang isasampang reklamong grave coercion at illegal detention laban sa mga nadakip na suspek.
- Latest