^

Police Metro

2 lalaki tinodas sa computer shop

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagpatay sa Quezon City, kama­kalawa at kahapon.

Namatay noon din ang biktimang si Andy Mirasol Delopirre, 36, ng No. 4108 LRB Republic Residence, Saint Joseph St, Brgy. Holy Spirit, Quezon City matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek.

Nabatid na alas-5:54 ng hapon ay inaayos ng biktima ang kanyang mga computer sa pag-aari nitong internet shop sa No. 168 Sto. Rosario St., Brgy Holy Spirit, nang pasukin ng suspek na nakasuot ng jacket, pantalon at helmet. Walang sabi-sabing pinaputukan ng ilang beses ng suspek ang biktima sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan at saka mabilis na tumakas.

Patay naman sa pananak­sak kahapon ng madaling araw sa loob din ng internet shop sa No. 47 Durian Street, Area 9, Barangay Pasong Tamo, Quezon City ang biktimang si Rigor Arbela Canlas, 42, ng No. 16 Kasoy St, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Sa pahayag ni Roxanne Marie Bayotas Herold, 39, live-in partner ng biktima, nagko-computer sila nang lapitan at pagsasaksakin ng hindi pa kilalang suspek.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima, subalit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with