Ina na pinapa-rape ang anak sa live-in partner, timbog
MANILA, Philippines — Arestado ang ginang na tinaguriang number 1 most wanted person (MWP) sa buong rehiyon 2 (Cagayan Valley) nang makailang-ulit nitong ipagahasa ang sariling menor-de-edad na anak sa kanyang kinakasamang lalaki sa Cauayan City, Isabela.
Ang suspect na itinago sa pangalang Melody, 32-anyos ay naaresto kamakalawa sa bahagi ng Purok 7, Barangay Alinam, Cauayan City sa bisa ng warrant na inisyu ni Judge Mary Jane Socan Soriano, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 19 Cauyan City sa kasong 9-counts ng rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang live-in partner naman ng ginang na si alias “Bruno” ay una nang nasakote noong Disyembre sa nasabi ring kaso ng panggagahasa.
Base sa testimonya ng biktimang si Myra, ‘di tunay na pangalan sinimulan siyang halayin ng kaniyang amain simula noong 2022 at naulit ito ng 9 na beses nito namang 2023.
Ayon sa dalagita, dinala umano siya mismo ng kaniyang ina at ng live-in partner ng huli sa isang hotel sa kanilang lugar kung saan una siyang hinalay ng amain.
Ang insidente ay nasundan pa sa tulong ng walang puso niyang ina na tumulong pa para siya mapariwara sa kamay ng buhong na suspect.
- Latest