54-anyos lalaki nasabugan ng kwitis, utas
MANILA, Philippines — Isang 54-anyos na lalaki mula sa Calabarzon ang nasawi matapos magtamo ng matinding pinsala nang masabugan ng paputok, ayon sa Department of Health (DOH) na nagresulta ito ng kabuuang apat na kaso ng pagkasawi dahil sa paputok.
Ayon sa DOH, nagtamo ang lalaki ng severe injury sa kaliwang kamay dahil sa pagsabog ng paputok na kwitis.
Pumalo naman sa 832 kaso ang kabuuang bilang ng naitalang firecracker-related injuries mula Disyembre 22, 2024 hanggang 6:00 ng umaga ng Enero 5, 2025. Mas mataas ng 37% kumpara sa nakaraang taon.
Sa 832 sugatan, 491 na biktima ay may edad na 19 pababa, na binubuo ng halos 60 porsiyento ng lahat ng kaso; 685 ang lalaki habang 147 ang babae.
Nananatili pa rin namang kwitis ang nangungunang sanhi ng mga pinsala dulot ng paputok, na sinusundan naman ng 5-star at boga.
- Latest