^

Police Metro

Caretaker ninakawan, bangkay itinapon

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 56-anyos na caretaker ang natagpuang patay sa liblib na lugar sa Sitio Ilang-Ilang sa Barangay Kabulusan, Pakil, Laguna noong Sabado ng umaga.

Ayon kay Major Errol Frejas, hepe ng Pakil police, ang mga labi ni Ernesto Almontero, alyas Ern, at caretaker ng Water Reservoir ng Laguna Waters ay nadiskubre ng isang residente na patungo sana sa kanyang Kaingin site bandang alas-6:45 ng umaga ngunit naiulat ang krimen makalipas ang isang oras.

Nagtamo ng matinding sugat sa likod na bahagi ng ulo ang biktima dahil sa paghampas ng matigas na bagay na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinabi ng saksi sa pulisya na ang biktima ay nakahandusay na duguan at nakasuot ng puting t-shirt, light blue jeans pants at black rain boots.

Sinabi ni Frejas na pagnanakaw ang kanilang tini­tingnan bilang motibo sa pagpatay dahil sa mga personal na gamit ng biktima tulad ng wallet na naglalaman ng maliit na halaga ng pera, cellphone at bolo nito.

Mayroon ng dalawang person of interest sa krimen ang pulisya na ang isa sa kanila ay kapitbahay ng biktima at ang isa ay nakatira sa katabing barangay.

CARETAKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with