^

Police Metro

Kagawad inutas, CAFGU patay din    

Doris Franche-Borja, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay ang isang barangay kagawad nang pag­babarilin sa loob ng polling precinct ng isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) na napa­tay din ng mga pulis at sundalo sa loob ng eskwelahan kung saan isinasagawa ang eleksyon,  kamakalawa ng hapon sa Barangay Luksumbang, Lamitan City, Basilan.

Kinilala ang nasawi dahil sa tama ng bala na si Antataha Nadjuwal, kagawad ng Barangay Luksumbang, nang pagbabarilin ng CAFGU member na si Euiliano Custodio Enrique.

Nabaril din at nasugatan ni Enrique ang ba­rangay chairman ng Luk­sumbang na si Jemson Cervantes na agad namang isinugod sa pagamutan ng mga pulis at sundalong nagbabantay ng mga polling precincts kung saan naganap ang insidente.

Tinangkang pasukuin ng mga pulis at sundalo si Enrique ngunit nagtangka itong manlaban kaya’t siya ay pinaputukan na naging sanhi sa kanyang agarang kamatayan.

Ayon sa kanyang mga kamag-anak, matagal na nilang napansin na may ka­kaibang pag-uugali si Enrique at bugnutin tuwing puyat sa pag-duty ng gabi sa mga CAFGU detach­ments sa Lamitan City.

CAFGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with