^

Police Metro

Taguig namahagi ng scholarship sa unang batch ng EMBO barangays

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang Taguig City nitong Lunes nang pamamahagi ng scholarship allowance sa 387 na mga bagong benepisyaryo ng Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship ng mga bagong residente mula sa mga EMBO Barangays.

May 7 kategorya ang LANI Scholarship Program na may kaukulang grant o halaga mula P15,000 hanggang P110,000 bawat taon na ibinibigay kada semestre.

Bukod dito, may karagdagang P5,000 para sa mga benepisyaryo na nakakamit ang semestral weighted average (SWA) na hindi bababa sa 88.75.

Bago ang pamamahagi, isinagawa ng lungsod ang door-to-door na pamimigay ng mga notices upang personal na imbitahan ang lahat ng mga kwalipikadong mag-aaral sa programa.

Layunin ng programa na mapakinabangan ang naturang scholarship program, hindi lamang ng nasa top 10 na porsyento ng mga nagsisipagtapos kundi maging ng lahat ng nagnanais magpatuloy sa kanilang pag-aaral pagtapos ng high school.

“Binukas natin ang scholarship program natin sa lahat ng gustong makapag-aral at makapagpatuloy sa kolehiyo. Sa Taguig, we recognize na may iba’t ibang klase ng katalinuhan at ito ay hindi nasusukat sa academic excellence lamang. We believe that your gifts or your talents in art or music or sports are also a form of intelligence,” wika ni Mayor Lani.

SCHOLAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with