^

Police Metro

Bangka tumaob sa ilog: 5 mag-anak nalunod

Victor Martin - Pang-masa
Bangka tumaob sa ilog: 5 mag-anak nalunod
Kinilala ang mga nasa­wing mga biktima na sina Mervin Balubar, 36; Crisel Valdez, 43; Reniel Dela Cruz, 9; Mark EA Catolico, 6, at Andrea Balubar, 5, pawang residente sa nabanggit na lugar.
STAR / File

MANILA, Philippines — Limang katao na kinabibilangan ng tatlong menor de edad at pawang magkakamag-anak ang nasawi matapos malunod nang tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa ilog ng Cagayan na bahagi ng Barangay Naguilian Sur, Iligan City, Isabela.

Kinilala ang mga nasa­wing mga biktima na sina Mervin Balubar, 36; Crisel Valdez, 43; Reniel Dela Cruz, 9; Mark EA Catolico, 6, at Andrea Balubar, 5, pawang residente sa nabanggit na lugar.

Nakaligtas naman ang iba pang mga kamag-anak na nakilalang sina Ronaldo Ballesteros, 56; Beverly Alvarez, 16; Mary Joy Alvarez, 6; Cristine May Balubar, 9; at Angeline Balubar, 30.

Sa inisyal na ulat, sakay ng isang bangka ang magkakamag-anak na nagtungo sa ilog Cagayan para ma­nguha ng tulya na ibebenta.

Pauwi na sana ang mga biktima matapos makakuha ng mahigit sa kalahating sako na tulya, nang mapasok ng tubig ang kanilang bangka sa kalagitnaan ng ilog na naging sanhi para tumaob ito at tangayin sila ng agos.

Nagawa naman na makalangoy ang mga nakaligtas na iba pang mi­yembro ng pamilya.

Unang natagpuan ang katawan nina Mark EA at Reniel Dela Cruz ng mga rumespondeng mga rescue personnel habang ang bangkay ng tatlong iba pa ay narekober noong Biyernes.

Ayon kay Brgy. Capt. Ferdinand Salvador, ang mga biktima ay kabilang umano sa mga mahihirap na pamilya sa kanilang lugar kung saan naghahanapbuhay ang mga ito sa pamamagitan ng arawan sa mga bukid at pangunguha ng tulya para may maibenta.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with