Libreng sakay ilalarga sa ikinasang 1-linggong tigil-pasada
MANILA, Philippines — Kung sakaling matuloy ang banta ng ilang transport groups na magkakasa ng isang linggong tigil-pasada sa susunod na linggo ay tiniyak kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na handa ang pamahalaan na pagkalooban ng libreng sakay ang mga maaapektuhang commuters.
Magugunita na unang inanunsiyo ng grupong Manibela na maglulunsad sila ng transport strike mula Marso 6 hanggang 12, kasunod na rin ng Hunyo 30 deadline na ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney, na alinsunod sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.
Sinabi ni Abalos na handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan at maging mga local government units (LGUs) upang magkaloob ng libreng sakay sa mga commuters na maaapektuhan ng tigil-pasada.
- Latest