^

Police Metro

Freelance workers bibigyan ng proteksiyon at karagdagang benepisyo

Joy Cantos - Pang-masa
Freelance workers bibigyan ng proteksiyon at karagdagang benepisyo
File photo shows a person using their laptop while holding a mobile phone.
AFP, File

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang ipinasa ng Kamara nitong Miyerkules na magbibigay ng akmang proteksiyon, karapatan at ibayong mga pakinabang sa mga ‘freelance workers’ o mga libreng manggagawa sa bansa na nagtatrabaho para sa mga kumpanya ngunit hindi nila empleyado.

Pangunahing inakda ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na chairman ng ‘House Ways and Means Committee’ ng Kamara ang  ‘Freelance Workers Protection Act’ (HB 6718) na layunin na isulong ang proteksiyon, karapatan, kagalingan at ibayong  mga pakinabang ng mga ‘freelancers’ kasama ang ‘mandatory hazard pay and night shift differential pay.’

Sa ilalim ng panukalang batas, kailangang may pirmadong kontrata ang ‘freelance workers’ at mga humihirang sa kanila kung saan malinaw na nakasaad ang mga kondisyon ng pagkakahirang sa kanila, ang mga tungkulin nilang gagampanan, ang bayad at ibang pakinabang nila, ang tagal ng kanilang pagseserbisyo,  ang mga batayan ng pag­labag sa kontrata at iba pang kundisyon na ipag-uutos ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Nauna nang naipasa ng Kamara ang panukalang batas noong Marso 2021 sa ilalim ng ika-18 Kongreso, ngunit hindi ito naisabatas.

“Kung itoý maisasabatas, kapwa may hawak na pirmadong maliwanag na kontrata ang ‘freelancer’ at humihirang sa kanya  kung saan maliwanag na nakasaad ang mga serbis­yong gagampanan ng ‘freelance worker,’ ang TIN, ang detalye ng pagbabayad at mga benepisyo para sa kanya, ang mga batayan ng pag­labag sa kontrata, at iba pang mga kundisyon na ipag-uutos ng DOLE,” paliwanag ni Salceda.

JOEY SARTE SALCEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with