Libreng sakay target ng LTFRB sa Pebrero
Kapag natanggap na ang budget…
MANILA, Philippines — Sa buwan ng Pebrero ngayong taon ang target ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ibalik ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel sa Metro Manila sa oras na mailabas ang P1.4-B budget ng Department of Budget and Management (DBM) na pagkukunan ng budget.
Ito ang sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III at hanggang July ang posibleng itagal ng budget para sa libreng sakay ngayong 2023.
Sakali namang maubos ay planong manghingi ng LTFRB ng supplemental budget para maipagpatuloy pa ang libreng sakay program. Inamin naman ni Guadiz na may kakulangan sa bus carousel na bumabiyahe sa ngayon dahil 80 percent lang ng 550 buses ang nakakabiyahe dahil sa kakulangan ng mga drivers.
Sinabi ni Guadiz, sisikapin nilang gawin tuwing kada 2 linggo ang pasahod sa mga bus driver para matugunan ang problema sa kakulangan ng mga driver kapag nagbalik na ang libreng sakay.
- Latest