5 PNP senior officer sabit sa illegal drug trade
MANILA, Philippines — “Nadamay lahat sa courtesy resignation.”
Ito ang pag-amin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na nagsumite na rin ng kanyang resignation kahapon na naka-addressed kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa ‘cleansing’ sa kanilang hanay kontra iligal na droga.
Anya, nalulungkot sila sa panawagan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos nang pagbibitiw ng lahat ng mga senior officers sa PNP bagama’t limang seniors officers lamang ang nasa listahan na sinasabing sangkot sa usapin ng droga ang iniimbestigahan ngayon.
Nauunawan nila ang desisyon ng mga political leaders kaya dapat lang silang sumunod.
“Actually lahat kami rito,‘yung command group ko, they have already submitted… On the record, nauna pa ‘yung command group ko na mag-submit sa akin,” ani Azurin sa isang briefing sa Camp Crame.
Isa anyang indikasyon na handa ang lahat ng 3rd Level Officer na sumailalim sa assessment ng Committee of Five para matigil ang akusasyon at espekulasyon sa hanay ng PNP.
Sa kanyang resignation, sinabi ni Azurin na handa siya sa evaluation at assessment ng komite na magdedetermina kung may kinalaman siya sa bentahan ng illigal na droga at pangungunsinti sa kanyang mga tauhan na sangkot dito.
Giit na Azurin, wala naman dapat na ikatakot o ipangamba ang sinumang senior officers sa assessment kung wala umano itong kinalaman o pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Lumilitaw na marami pang senior police officers ang tumanggi na maghain ng kanilang resignation dahil sa personal at career na dahilan.
Inaasahang hanggang sa Enero 31 maisusumite ng mga senior officers ang kanilang mga resignation.
- Latest