Pekeng pera talamak sa Kapaskuhan - PNP
MANILA, Philippines — “Mag-ingat sa paglaganap ng mga pekeng pera lalo na ngayong papalapit na Kapaskuhan.”
Ito ang babala ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa publiko dahil ang mga crimes against property tulad ng theft at robbery, gayundin ang fraud at panloloko ay kalimitang tumataas tuwing holiday season.
“Nagpapaalala ang PNP na mag-ingat po tayo sa ating mga transaksyon kapag tayo ay namimili sa mga palengke, sa mga malls, lalong-lalo na ganitong pagkakataon na marami tayong mga balikbayan na uuwi at may bitbit na mga remittance,” wika ni Fajardo sa isang panayam sa radyo kahapon.
“Ang paalala natin sa ating kababayan ay magpapalit sila ng pinaghirapan nilang mga pera sa mga authorized money changer,” dagdag ng opisyal.
Dati nang nagbigay ng tip ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko na gamitin ang paraan na “Feel-Look-Tilt” sa pagsuri sa security features ng New Generation Currency (NGC) banknotes.
- Latest