Pangulong Marcos sa DOJ at PNP: Suriin ang mga pahayag ni Digong sa Kamara
MANILA, Philippines — Pinasusuri na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) kung ang mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hearing ng House Quad committee ay mga ebidensiya para magbigay katwiran sa paghahain ng kaso.
Sa ambush interview sa pangulo matapos ang pamamahagi nito ng ayuda sa Cavite para sa mga naapektuhang pamilya ng bagyong Kristine, sinabi niya na kumikilos na ang PNP at hinihintay na lamang nila ang findings nito
Subalit giit ni Marcos, lahat ng testimonya na binigay sa quadcom hearing ay isasaalang-alang at susuriin sa legal na paraan kung tunay at kung ano ang kahihinatnan ng mga pahayag ni dating pangulong Duterte.
Giit pa ng pangulo, lagi silang naka-monitor dito dahil ang mga katanungan tungkol sa extrajudicial killings o EJK ay hindi pa rin nasasagot kung sino ang mga responsable dito.
Maging ang mga magulang aniya na biktima ng EJK na dumalo sa quadcom hearing ay hanggang ngayon hindi pa rin nakakamit ang hustisya sa mga pumatay sa kanilang mga anak at mahal sa buhay.
- Latest