^

Police Metro

Marcos sa government agencies: Iwasan ang magarbong pagdiriwang ng Pasko

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos sa government agencies: Iwasan ang magarbong pagdiriwang ng Pasko
Lapu-Lapu City’s Plaza Rizal is transformed into an illuminated spectacle with the giant Christmas tree and a colorful lighted fountain.
Aldo Nelbert Banaynal

MANILA, Philippines — “Magtipid at iwasang maging magarbo ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon”.

Ito ang sinabi ni Exe­cutive Secretary Lucas Bersamin bilang pagsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na alalahanin ang mga biktima ng anim na magkasunod na bagyo.

Dagdag pa ni Bersamin, na bilang pakikiisa na rin ito sa milyun-mil­yong Fili­pino na patuloy na nagdadalamhati dahil sa mga buhay, tahanan, at kabuhayang nawala bunsod ng mga nagdaang bagyo.

Hindi na rin aniya kailangan pa magpalabas ng opisyal na direktiba sapagka’t naniniwala sila sa kabutihang-loob ng mga kapwa nila kawani ng gobyerno.

Tiwala rin aniya siya na kusang magpapatupad ng pagtitipid ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa kanilang mga pagdiriwang.

Maliban dito, nais din ng Palasyo na ang anumang matitipid mula sa mas payak na pagdiriwang ay i-donate para sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Paliwanag pa ni Bersamin na ang tunay na diwa ng Pasko ay nananawagan na ipag­diwang ito nang may malasakit, ibahagi ang mga biyaya, at mag­hatid ng kasiyahan.

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with