LTFRB: CR sa bus terminals dapat libre
MANILA, Philippines — Nakatakdang parusahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator ng mga terminal ng bus sa bansa lalo na sa Metro Manila kung patuloy na maniningil ng bayad sa mga pasahero na gumagamit ng kanilang toilet.
Ito ang sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz bilang reaksyon sa pahayag ni Senator Raffy Tulfo na dapat ay libre ang paggamit ng mga pasahero sa mga pasilidad ng mga bus terminal tulad ng CR.
Nadiskubre ni Tulfo ang paniningil ng bus terminal sa mga gumagamit ng CR dito nang umikot ito sa mga terminal ng bus noong Undas.
Sinabi ni Guadiz na bukod sa libreng paggamit ng CR sa mga bus terminal, dapat din anyang may global navigation satellite system (GNSS), closed-circuit television (CCTV) na gumagana sa 72 oras ang operasyon, may valid fire extinguisher, first aid stations, stop over at may approved security plan.
May parusa rin anyang ipapataw sa mga bus terminal na ipinagagamit ang establisimiento sa mga colorum vehicles at dapat ay mayroon ditong walk-through metal detectors o handheld metal detectors para sa kapakanan ng mga commuters.
- Latest