^

Police Metro

Gadget ng mga guro ‘di babawiin

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang inilabas na kautusan para isoli ng mga guro ang mga inisyung gadget sa implementasyon ng distance learning.

Ito ang nilinaw ni Department of Education (DepEd) Spokesman Michael Poa at kinontra ang pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), na sinimulan na raw ng ahensiya ang pagbawi sa mga laptop, desktop, tablets at smart phones na inisyu sa mga guro sa implementasyon ng distance learning.

Binanggit pa sa statement ng ACT na nakatanggap sila ng ulat mula sa mga public school sa Quezon City, Malabon City, Camarines Norte, Cebu City at Zamboanga del Sur na, “teachers were ordered to return the devices lent to them, given that full face-to-face classes are set to resume on November 2.”

Pero sa mensahe ni Poa sa mga reporter, binanggit nito na nagsalita na ang regional director ng DepEd sa NCR na walang nilalabas na utos sa pagsosoli ng mga gadget.

Aarangkada na ngayong Nobyembre 2 ang implementasyon ng full in-person classes matapos ang higit dalawang taon na remote at blended learning bunsod ng COVID-19 pandemic.

vuukle comment

GURO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with