Libro na sagot sa kagutuman, matagumpay na inilunsad
MANILA, Philippines — Naging matagumpay ang paglulunsad ng aklat na naglalaman ng mga makabagong teknolohiya at organikong pamamaraan ng pagsasaka na magsisilbing sagot sa kagutuman sa bansa.
Ang inilunsad na aklat na “Leave Nobody Hungry” ay sinulat ng dating reporter na si Virginia R. Rodriguez na ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel nitong Lunes ng tanghali.
Nagbigay ng napakagandang virtual message si Press Sec. Trixie Cruz-Angeles sa pasinaya ng libro at umaasa na makakatulong ng malaki sa milyun-milyong magsasaka sa bansa ang nilalaman ng libro para mapataas ang kanilang ani.
Personal ding dinaluhan ni Atty. Alex Lopez, Dr. Eliseo Ruiz, Chief and Executive Officer at former Pres. ng CLSU; Asec. Antonio Molano, Councilor Joey Amzola; Councilor Pablo Ocampo; P/Gen. Andre Dizon, hepe ng MPD, LGUs, NGOs; businessmen at mga estudyante.
Ayon kay Rodriguez, nais niyang makatulong sa administrasyon ni Pangulong Marcos na siya ring tumatayong Kalihim ng Department of Agriculture (DA) kaya niya naisipang isulat at gawin ang nasabing aklat.
Pahayag pa ni Rodriguez, sagot sa “food crisis agenda” ni PBBM ang mga nilalaman ng kanyang librong ginawa, kabilang na rito ang “Masaganang 150” na isinusulong ng Pangulo.
Bukod sa “food security” ay nilalaman din ng libro ang paglikha ng maraming trabaho na nais mangyari ng gobyerno.
- Latest