^

Police Metro

Higit 1K aftershocks naitala sa Abra quake

Angie dela Cruz - Pang-masa
Higit 1K aftershocks naitala sa Abra quake
Sarado muna sa publiko ang Calle Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur dahil sa patuloy pa ang pagsusuri sa mga lumang bahay at heritage sites kung maa-yos pa ang gusali kasunod ng magnitude 7.0 lindol sa Northern Luzon noong Miyerkules.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umabot na sa mahigit 1,000 aftershocks ang naitala mata-pos ang magnitude 7 na lindol sa Abra.

Sinabi ng PHIVOLCS na may kabuuang 1,071 aftershocks ang natukoy sa mga apektadong lugar simula alas-10:00 ng umaga.

Ang pinakamataas na intensity na naramdaman dahil sa lindol ay Intensity VII.

Naranasan ito sa mga bayan ng Abra kabilang ang Tayum, Bangued, Bucay, Bicloc, Dangals, Dolores, La Paz, Laga­ngilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Penarrubia, Pilar, Sallapadan at San Juan.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal na ilang mga apektadong residente ang nagkakampo sa labas ng kanilang mga tahanan dahil sa banta ng aftershocks.

AFTERSHOCK

EARTHQUAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with