Tserman, kalaguyong misis nahuli sa akto ng mister
MANILA, Philippines — Nahuli sa akto ng isang tricycle driver ang kanyang misis at kanilang barangay chairman na magkasama sa loob ng kuwarto ng isang resort sa Sitio Pawa, Brgy. Lajong, Bulan, Sorsogon, kamakalawa ng gabi.
Nakatakdang sampahan ng kasong adultery sina Ariel Ollosca Gupit, 47, residente at incumbent barangay chairman ng Brgy. Aquino, Bulan at Sharon Gipa Red, 39, may-asawa.
Sa alas-8:30 ng gabi ay humingi ng tulong sa Bulan Police ang trike driver na kinilala lamang sa pangalang “Boy” nang malaman nitong nag-check in ang kanyang misis at kanilang kapitan sa isang kwarto ng Joyland Resort.
Mabilis namang nagresponde ang mga pulis at pinasok ang room number 8 ng resort at nahuli ang magkalaguyo sa akto na gumagawa umano ng kababalaghan.
- Latest