^

Police Metro

Presyo ng LPG, posibleng tumaas sa lagpas P1K kada tangke sa Nobyembre

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sanhi ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis at mga produktong petrolyo  na nasa siyam na beses na  taas-presyo ay nakaambang tumaas din sa lagpas P1,000 kada tangke ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa Nobyembre ng taong ito.

Ito ang sinabi ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, kung hindi ito aaksyunan ng pamahalaan ay dagdag na pasakit sa pamilyang Pilipino na gumagamit ng LPG na siyang pangunahing pangangailangan sa pagluluto ng pagkain.

Sa kasalukuyan ay nasa P 898.00 na ang presyo ng LPG na ayon kay Brosas ay hindi nakapagtatakang magtaas presyo na lagpas P 1,000 sa susunod na buwan.

Binigyang diin nito na maging sa mga palengke ay nagtaas presyo na rin ang mga  karne tulad ng baboy, manok, isda, mga gulay at iba pa.

LIQUIFIED PETROLEUM GAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with