Mahigit 3K biyahero stranded sa mga pantalan
MANILA, Philippines — Dahil sa masamang lagay ng karagatan dulot ng bagyong Dante ay umabot na sa higit sa tatlong libong biyahero ang na istranded sa mga pantalan sa Timog Luzon at Visayas.
Batay sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-3:00 ng hapon kahapon, nasa 3,007 pasahero, tsuper, at cargo helpers ang naipit sa 48 na pier sa Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at Bicol region.
Nasa 73 sasakyang-pandagat, tatlong motor bancas at 792 rolling cargoes rin ang stranded habang nasa 87 sea vessels at 84 motorbancas ang nakikisilong upang makaiwas sa hagupit ng bagyo sa karagatan.
- Latest