^

Police Metro

Mass testing sa buong populasyon, ‘di puwede

Malou Escudero - Pang-masa
Mass testing sa buong populasyon, ‘di puwede
“Wala pong 100% na test for COVID-19. Kahit na PCR po iyan, hindi po iyan 100%. Kaya po kailangan talaga ang pagti-test ay ginagamitan ng iba pang mga factors, ng assessment. Kaya iyong paulit-ulit pong sinasabi ng ating mga eksperto, kailangan ito ay risk-based at targeted,” ani Dizon.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tinanggihan muli ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon ang mga panawagan na magkaroon ng mass testing sa buong populasyon.

Ayon kay Dizon, dapat sundin ng gobyerno ang mga medical journals at mga eksperto sa kalusugan na gumamit ng risk-based at targeted testing strategy sa halip na isailalim sa test ang lahat ng mga mamamayan.

“Wala pong 100% na test for COVID-19. Kahit na PCR po iyan, hindi po iyan 100%. Kaya po kailangan talaga ang pagti-test ay ginagamitan ng iba pang mga factors, ng assessment. Kaya iyong paulit-ulit pong sinasabi ng ating mga eksperto, kailangan ito ay risk-based at targeted,” ani Dizon.

“Kaya mag-ingat po talaga tayo kapag sinasabi natin na ang solusyon sa COVID-19 ay i-test ang lahat ng Pilipino. Napakadelikado po niyan at iyan po ay hindi po talaga nirirekomenda ng mga eksperto,” ani Dizon.

Anya, dapat alam kung anong klaseng test ang dapat  gamitin sa iba’t ibang sitwasyon at kailangan na pakinggan ang advice ng mga eksperto na ginagawa na ng national government.

Ipinaliwanag pa ni Dizon na minarapat ng mga eksperto na magdagdag ng antigen test sa NCR Plus kasama ang Pampanga at Batangas upang matulu­ngan ang mga laboratoryo ng Philippine Red Cross dahil tinatamaan din ng COVID-19 ang mga med-tech.

Related video:

COVID-19

MASS TESTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with