Number coding suspendido sa Nob. 2 - MMDA

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang Expanded Number Coding Scheme sa Lunes, Nobyembre 2, 2026.
Ito ay dahil sa paggunita sa All Souls’ Day, na itinakdang special non-working holiday.
Ayon sa MMDA na otomatikong sinuspinde ng MMDA ang number coding tuwing may mga regular at special non-working holiday.
Una nang nagsagawa ng inspeksiyon kamakailan ang MMDA sa pangunguna ni MMDA Chairman Atty. Don Artes sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong uuwi ng kani-kanilang probinsya ngayong Undas 2026.
Kabilang sa mga ininspeksiyong terminal ang Five Star, Baliwag Transit, at Genesis Transport Services.
Hinihikayat ang mga motorista na planuhing mabuti ang kani-kanilang biyahe at sumunod sa mga batas-trapiko.
- Latest



















