^

Police Metro

Higit 500 biyahero stranded sa mga pier

Danilo Garcia - Pang-masa
Higit 500 biyahero stranded sa mga pier
Nasa daan bilang ng pasahero ang na-stranded kahapon sa labas ng North port sa Manila para sa barko na kanilang masasakyan papuntang Mindoro na pansamantalang itinigil dahil sa bagyong Quinta.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigit 500 biyahero at daan-daang mga cargo ang na-stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol at Eastern Visayas dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta kahapon.

Nabatid nadakong alas-12 kahapon ng tanghali, may 577 mga pasahero, truck drivers at cargo helpers ang nananatili sa 26 na mga pantalan. Habang naantala rin ang pagbiyahe 473 rolling cargos, 21 barko at 10 motorbancas.

Bukod dito, may 121 sasakyang pandagat at 51 motorbanca ang kinaila­ngang ilikas sa pagkaka-angkla sa karagatan at sumilong bilang ‘precautionary measures’ sa banta ng bagyo.

vuukle comment

STRANDED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with