^

Police Metro

Motorcycle taxis, kailangan ng basbas ng Kongreso

Malou Escudero - Pang-masa
Motorcycle taxis, kailangan ng basbas ng Kongreso
Ang inter-agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya “has done what it could do” nang iendorso sa House transportation committee ang resumption o pagbabalik ng pilot study sa motorcycle taxis.
Michael Vargas/File

Bago makapasada…

MANILA, Philippines — “Hindi kasi puwede namang mag-operate nang walang franchise, pero kung papayagan naman ng Kongreso through a resolution iyong continuation ng pilot study prior to the approval of the franchise, mapapayagan naman sila.”

Ito ang sinabi ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque na kaila­ngan muna ng mga motorcycle taxis ng permiso mula sa mga mambabatas bago pa makabalik  sa lansangan.

Ito’y dahil sa patuloy na  umiiral na ‘limit modes’ ng public transport dahil sa coronavirus pandemic.

Ang  inter-agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya “has done what it could do” nang iendorso sa  House transportation committee ang  resumption o pagbabalik ng  pilot study sa motorcycle taxis.

“The best solution of course is for Congress to pass the franchise as law already, but we leave that to the sound judgement of Congress,” dagdag na pahayag nito.

Ang three ride-hailing platforms na nagpartisipa sa  trial na nagtapos noong Marso ay Angkas, Joy Ride, at  MoveIt.

Naging popular ang  Angkas dahil sa pagbibi­gay ng murang ride-hailing services at mabilis na biyahe sa traffic-choked roads sa Metro Manila.

Sa kabila ng  50 percent ng ekonomiya ang muling nagbukas sa mga lugar na nasa ilalim ng  looser lockdown, ang public transport system ay nago-operate ng 30 percent lamang ng pre-pandemic capacity.

Nilinaw ni Roque, kinakailangan pa ring magpalabas ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  para sa one-seat-apart policy at kinakailangan na mailathala mula sa Official Gazette.

MOTORCYCLE TAXIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with